Indian trader pumalag sa holdap, inutas
MANILA, Philippines - Isang negosyanteng Indian national ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng dalawang holdaper matapos manlaban sa panghoholdap kamakalawa ng gabi sa Brgy. VI-E, San Pablo City, Laguna.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa PanÂlalawigang Pagamutan ng Laguna ay kinilalang si Sonil Singh, nasa hustong gulang, residente ng City Subdivision, IB, San Pablo City sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa dibdib.
Batay sa ulat, dakong alas-6:52 ng gabi ay kasalukuyang naglalakad sa lugar ang biktima matapos na maningil sa pautang na 5-6 sa mga may utang sa kanya na residente sa Barleta Subdivision nang harangin ng dalawang suspek.
Nagdeklara ng holdap ang mga suspek, pero nanlaban ang biktima na tumangging ibigay ang pitaka na nagÂlalaman ng nasingil nito sa kaniyang negosyong money lending.
Nairita ang mga suspek kaya’t pinagbabaril ito at pagbagsak sa lupa ay puwerÂsahang tinangay ang piÂtaka na naglalaman ng hindi pa madeterminang halaga, alahas at cell phone.
Isa naman sa mga suspek ay kinilala sa alyas na “Aba†base sa pahayag ng ilang nakakita sa pangyaÂyari.
- Latest