Adik nagbigti sa kadena ng aso

MANILA, Philippines - Kadena ng aso ang ginamit ng isang lalaking adik sa rugby sa kanyang pagbibigti kamakalawa sa Brgy. Pagatpatan, Butuan City, Agusan del Norte.

Ang biktima na natagpuang lawit ang dila habang nakabigti sa puno ng niyog ay nakilalang si Jay Putasic alyas Loloy, 22-anyos, kilalang rugby user sa kanilang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabigti sa puno ng niyog sa nasabing lugar ng isang Juanito Ortiga na napadaan sa naturang lugar.

Agad nitong iniulat sa pulisya ang pangyayari na nagresponde agad sa  lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may naganap na foul play.

Show comments