MANILA, Philippines - Iniulat ni Department of Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na 11 tagasuporta ni Sultan Kiram na pinamumunuan ng kapatid na si Rajah Muda Agbimuddin Kiram ang napatay sa panibagong pakikipag-enkuwentro sa Malaysian security forces sa Semporna, Sabah.
Kinumpirma rin ng MaÂlaysian Police kahaÂpon na anim sa kanilang hanay ang napatay sa ambush-attack nitong Sabado ng gabi sa Kampung Sri Jaya, Simunul, Semporna sa Sabah. Habang 19 pulis-Malaysia ang nakaligtas sa pag-atake at sagupaan.
Una umanong narekober ang anim na bangkay ng mga miyembro ng Royal Army at anim na Malaysian policemen sa isinasagawang mopping-up operations ng Malaysian authorities sa Similul, Semporna noong Linggo ng gabi.
Ang sagupaan sa SemÂporna, may 300 kilomeÂtro ang layo sa Tanduo village, Lahad Datu ay kasunod sa naganap na standoff at engkuwentro sa Lahad Datu na ikinasawi ng 10 Pinoy Muslim at dalawang Malaysian policemen noong Biyernes.
Ang grupo ni Rajah Muda ay humihingi na ng saklolo kahapon sa kanyang mga kaanak sa Pilipinas upang magpadala ng pagkain, gamot ng mga sugatan sa Sabah at humihingi ng seguridad upang maiuwi o madala sila ng ligtas sa Simunul Island.