MANILA, Philippines - Natabunan nang lupa ang mga manggagawa ng isang pribadong kumpanya na ikinasawi ng limang katao, pito ang sugatan habang 6 pa ang nawawala sa naganap na landslide kahapon sa Brgy. Road PAD 403, EDC Mahiao Complex, Brgy. Lim-ao, Kananga, Leyte.
Sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 8, naganap ang landslide sa nasabing lugar magaalas-10:00 ng umaga kahapon.
Ayon naman kay Ormoc Mayor Eric Codilla, lima pa lamang sa mga bangkay ang narekober sa lugar habang patuloy ang paghahanap sa iba pang mga biktima habang inaÂalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawing katao.
Kabilang naman sa mga sugatang nailigtas ay sina Jobert Ayunan, 20; Lamerito Mananatao, 40; Ronelo Basa, 24; Binondo Realo, 32; Brigildo Edar, 35; Mario Sajaba, 19 ; AaÂron Alema, 19; na isinugod na sa pagamutan.
Bigla na lamang umaÂnong gumuho ang lupa sa nasabing lugar habang abala ang mga contractor at manggagawa sa isinasagawang landslide mitigating project nang mangyari ang sakuna.
Una nang tinukoy ng mga disaster officials ang nasabing barangay bilang isa sa mga landslide prone areas sa Eastern Visayas Region.
Patuloy ang search and retrieval operations sa lugar upang mahanap ang mga nawawala pang biktima.