^

Police Metro

Kahit nagbanta si P-Noy na sila ay kakasuhan… Kiram hindi aalis sa Sabah

Rudy Andal, Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wala umanong balak na lisanin ng grupo ni Sul­tan Jamalul Kiram partikular si Rajah Muda Kiram at kanilang royal forces ang Lahad Datu sa Sabah kahit na nagbanta si Pangulong Benigno Aquino lll na sila ay kakasuhan.

Ayon kay Raja Mudah, ang Sabah ay pag-aari nila at hindi giyera ang kanilang pakay sa pagpunta sa Sabah kundi nais lamang nilang igiit na sila ang nag-mamay-ari.

Iginiit pa ni Rajah Mudah, kahit na pwersahan silang paalisin ng Malaysian government ay hindi sila aalis dahil naniniwala silang pag-aari nila ang Sabah at minana nila ito sa kanilang mga ninuno.

“Let God our judge,” wika pa ni Raja Mudah sa panayam sa telephone ng Malacañang repor­ters matapos magbanta ang Pangulong Aquino na kakasuhan sila at mga financiers nito sa pagtungo sa Sabah.

Iginiit pa ng kampo ni Kiram, wala silang mga financiers o nag-udyok sa kanila upang magtungo sa Malaysia kundi kusang aksyon nila ito upang igiit ang kanilang pagmamay-ari sa Sabah na pinabayaan ng gobyerno.

Nakakalungkot anya na isipin na sa kabila ng kanilang ipinaglala­ban para sa Pilipinas ay kakasuhan pa sila ng gob­yerno gayung hindi lamang sa mga taga-Sulu ang kanilang ipinaglalaban kundi para sa buong Pilipino.

IGINIIT

JAMALUL KIRAM

LAHAD DATU

LET GOD

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RAJA MUDAH

RAJAH MUDA KIRAM

SABAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with