Pastor, misis at 2 anak pinatay

MANILA, Philippines - Napalitan ng trahedya ang masayang birthday party na dinaluhan ng isang pastor, misis nito at dalawang anak matapos silang pagbabarilin habang sakay ng motorsiklo papauwi sa kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sampao, Isulan, Sultan Kudarat.

Ang mga nasawi dahil sa mga tama ng bala ng armalite at kalibre 45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang sina Rey Debarbo, 44, Pastor sa Fundamental Baptist Church, misis nitong si Renaly, 39 at mga anak na sina Cathe­rine Faith, 14 at Karen, 8-anyos.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:10 ng gabi ay magkakaangkas sa isang motorsiklo ang pamilya pauwi sa kanilang bahay sa Leonora Homes, Brgy. Sampao.

Pagdating sa Brgy. Ka­lawag II ay hinarang sila ng mga suspek at pinagba­baril.

Nang masigurong patay na ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Show comments