^

Police Metro

Gobyerno dapat manindigan sa Sabah claim

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dapat anya na magkaroon ang gobyerno ng malinaw paninindigan o hayaan na lamang ang usapin ng Sabah tulad ng matinding paninindigan sa pag-angkin ng Spratly Island at ng Scarborough Shoal.

Ito ang naging panawa­gan ni Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) party-list Rep. Sherwin Tugna hinggil sa usapin ng pag-angkin sa Sabah na mainit na usapin ngayon dahil sa tension ng standoff ng mga armadong Pilipino na sinasabing Royal guards ng Sultanate ng Sulu.

“We do not know why this issue suddenly materialized. As reported in the news, this issue has long been dormant. And now that it’s back in the spotlight, I don’t think a return to the status quo is sensible. It would be prudent if we decide whether or not we are going to reassert our authority and claim over Sabah. Otherwise it would always be an issue that we would evade and not have a resolution on. It may be difficult, but a clear stand on the issue is needed,” ayon kay Tugna na miyembro rin ng House Committee on Foreign Affairs.

Sinabi ni Tugna na sa pag-address sa naturang usapin ay dapat manaig ang kapayapaan at huwag hayaan na magkaroon ng kaguluhan.

Idinagdag pa ni Tugna na dapat linawin ng pamahalaan kung mayroon talagang karapatan ang Pilipinas sa Sabah at kung ito ay naaayon sa ating soberenya na angkinin ang Sabah at huwag aniya na hayaan ang pag-angkin kung walang kaukulang dokumento o anumang historical evidence na magpapatunay sa pagmamay-ari natin sa Sabah.

BATTLE AGAINST CORRUPTION

DAPAT

FOREIGN AFFAIRS

HOUSE COMMITTEE

SABAH

SCARBOROUGH SHOAL

SHERWIN TUGNA

SPRATLY ISLAND

TUGNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with