MANILA, Philippines - Nagpalabas ang Department of Environment and Natural Resources(DENR) ng Environmental ComÂpliance certificate (ECC) para sa $5.9-billion TampaÂkan copper-gold project ng Sagittarius Mining Inc. (SMI) sa Southern Mindanao.
Ayon naman kay DENR Secretary Ramon J.P. Paje ang naipagkaloob na ECC sa SMI ay may kaakibat ng mga kundisyon at kapag nabigo ang kumpanya na sundin ang mga kundisyon ay mapipilitan sila na kanselahin ang naipagkaloob na permit sa naturang kumpanya.
Kaya naman ay lubos na pinuri ni Kiblawan, Davao del Sur Mayor Marivic Diamante ang “political will†ni Paje na ginawa lamang ang trabaho nito sa pagtasa sa mga merito kaugnay sa aplikasyon sa ECC ng proyekto.
Sa bayan ng Kiblawan itatayo ang malalaking pasilidad sa Tampakan project tulad ng fresh water dam, tailings storage facility, concentrator, at ang pabahay sa tinatayang 2,000 manggagawa na inaasahang magdudulot ng kita partikular sa buwis para sa segunda klaseng munisipalidad.
Ayon kay Diamante, sa kautusan ng Malakanyang at mga pahayag mula sa kagawaran ng pamahalaang lokal at katarungan, naiwasto ng gobyernong nasyonal ang malaking pagkakamali kaugnay sa ECC issue ng Tampakan project.