MANILA, Philippines - Mahigit sa P1 bilyon na infrastructure projects ang laan ng Quezon City Engineering Department (QCED) ngayong 2013 na ang layunin ay higit pang mapalawak at mapahusay ang pagkakaloob ng paÂngunahing serbisyo sa mga taga QC.
Sinabi ni Engr. JoseÂlito Cabungcal, hepe ng QCED na may 93 verÂtical structures ang ginastusan ng tanggapan na may halagang P700 milyon para sa repair/rehabilitation at improvement ng day care centers, health centers, barangay halls, multi-purpose halls, mga paaralan at iba pang straktura.
Bukod pa anya ito sa P5-milyon halaga ng hoÂrizontal projects na ipatutupad ngayong taon kabilang ang 24 na proyekto na nakapaloob sa flood control category habang ang 62 proyekto ay para sa road improvement, drainage improvement, clearing at paglilinis ng mga waterways bracket.
Idinagdag pa ni CaÂbungcal na sa kasalukuÂyan, ang QCED ay may nakumpleto nang mga proyekto tulad ng pagtatayo ng iba’t ibang mga straktura sa iba’t ibang barangay sa QC na umaÂakma sa safety in government standards.