^

Police Metro

31 pulis-Maynila kinasuhan ni Isko

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa kahapon ng kasong administratibo si Manila Vice-Mayor Isko Mo­reno sa National Police Commission (NAPOL­COM) laban kay Police Com­munity Precinct (PCP) commander P/Insp. Eduardo Morata at 30 pang pulis na dumakip sa kanya sa isang pa-bingo sa kalsada sa Sta. Cruz, May­nila kamakailan.

Parti­kular na isinampa sa Napolcom ang kasong “grave misconduct at abuse of authority” laban sa mga pulis.

Sinabi ni Moreno na iligal ang ginawang pag-aresto sa kanya nina Morata dahil sa hindi malinaw ang kanyang kaso at hindi siya binasahan ng “Miranda Doctrine”. Bukod dito, na­ging marahas ang pag-aresto tanda ng pagkakasugat kay Moreno.

Sinabi ni Moreno na ipinauubaya na nila sa Napolcom ang magiging aksyon sa isinampa nilang reklamo.

Bukod rito ay ipinag­harap na rin ng patung-patong na kasong kriminal ng grupo ni Moreno sa Office of the Ombudsman si Morata at iba pang John Does kaugnay pa rin ng pag-aresto sa kanila nitong Sabado.

Partikular na isasampa nila ay roberry, grave coercion, unlawful arrest, arbitrary detention at incriminating innocent person.

Wala pa namang isinasampang kaso si Moreno laban kay Station 3 commander P/Supt. Ricardo Layug kung saan naghahanap pa sila ng ebidensya. Binigyan naman ng Napolcom si Morata ng limang araw upang sagutin ang kaso laban sa kanya.

Samantala, nag-inhi­bit ang mga piskal sa Lungsod ng Maynila sa paghawak sa kaso ni Moreno at lima pang konsehal.

Kaya’t inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na ang DOJ na  ang  hahawak ng alinmang kaso na may kinalaman sa naganap na insidente

Paliwanag ni De Lima, nagpasya ang mga ng Ma­nila Prosecutors’ Office dahil na rin sa pagiging sen­sitibo ng nasabing kontrobersiya.

BUKOD

DE LIMA

EDUARDO MORATA

JOHN DOES

JUSTICE SECRETARY LEILA

MORATA

MORENO

NAPOLCOM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with