^

Police Metro

Holdaper kumasa sa pulis, dedo

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isa sa tatlong hinihinalang holdaper makaraang kumasa at makipagbarilan sa mga pulis matapos nilang hol­dapin ang isang  pampasaherong jeep sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center  si  Rex Tan, 27, ng Remigio St., Sta. Cruz, Maynila sanhi ng tama ng  bala sa dibdib at  sa binti.

Batay sa ulat ni Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District- Homicide Section  naganap ang  krimen  dakong alas- 2:30 ng madaling araw sa panulukan ng Lope de Vega at Teodora Alonzo Sts., sakop ng Sta. Cruz.

Nagpapatrolya sina PO1 Robert Dulay at PO3 Jennifer Manguerra nang humingi ng tulong sa kanila ang  mga pasahero ng  jeep na hinoldap ng tatlong kalalakihan na sumakay ng  tricycle matapos ang  insidente.

Sinita ng mga pulis ang mga suspek subalit isa sa kanila ang agad na naglabas ng baril at lumaban sa mga awtoridad na naging dahilan ng kanyang kamatayan habang ang dalawang nitong kasama ay nakatakas. Tinangka pang isugod sa ospital ang suspek subalit nalagutan din siya ng hininga.

vuukle comment

CRUZ

GLENZOR VALLEJO

HOMICIDE SECTION

JENNIFER MANGUERRA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

REMIGIO ST.

REX TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with