Misis, hinoldap na pinatay pa
MANILA, Philippines - Hinoldap na, pinatay pa ang isang 57-taong gulang na Misis at itinapon ang bangkay nito sa madamong bahagi ng Trece Martirez City, Cavite, kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Nelia Mirasol, may asawa, residente ng #340 Basa Uno, Barangay Zapote, Las Piñas City.
Batay sa imbestigasÂyon ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima ganap na alas-6:30 ng umaga sa madamong bahagi ng City Land Road, Brgy. De Ocampo, Trece Martirez City.
Huling nakitang buhay ang biktima na namamaÂlengke sa pamilihang bayan sa Bacoor, Cavite na suot pa ang kanyang mga alahas kamakalawa pero hindi na ito nakauwi sa kanilang tahanan.
Hinanap ng kanyang pamilya ang biktima hanggang may nakapagsabi sa kanila na may isang bangkay ng babae ang natagpuan sa Trece Martirez na kanila namang pinuntahan at doon nakumpirma na si Mirasol nga na kanilang hinahanap.
Teorya ng pulisya na pumalag ang biktima sa mga holdaper niya kaya siya tinuluyang patayin at itinapon ang bangkay nito sa madamong lugar. Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa insidenÂteng ito.
- Latest