MANILA, Philippines - Inilunsad ng Philippine National Police (PNP), Sagittarius Mines, Inc. (SMI) at ng non-governmental organization (NGO) partner nitong Character Building Foundation, Inc. (CBF) sa General Santos City, South Cotabato kamakailan ang pambansang inisyatiba sa pagpapaunlad ng ugali para sa 140,000 miyembro ng pulisya.
“Ito ang magbibigay ng diin sa aming paniniwala na ang transpormasyon sa kahalagahan sa hanay ng pulisya ang susi sa kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad at kabahagi sa layuning ito ang pribadong sektor at ang NGO,†ani Sr. Supt. Fernandino Sevilla, direktor ng Center for Police Strategy Management ng PNP.
Ayon kay Sevilla, ang joint project ng SMI at ng CBF ay sa bisa na rin ng memorandum of agreement na nilagdaan nitong Enero.
Aniya, layunin ng PNP ang pangmatagalang kapaÂyapaan at kaayusan sa buong bansa ang programang “shared advocacyâ€.
Ang programa ay nakabase sa pag-uugali at nakadiÂsenyo upang makapagdulot ng disiplina at kagandahang asal na ang layunin ay maiangat ang propesyonalismo sa PNP ngayong taong 2013.
Sinabi naman ni SMI General Manager Mark Williams na nakaangkla ang kanilang kompanya sa katulad na prinsipyo ng transparency, accountability at paglahok ng mga stakeholder kaya tinanggap nila ang imbitasyon na maging katuwang sa magandang adbokasiyang ito.
Nakapaloob sa programa na inoobliga ang bawat pulis na magkaroon ng individual performance card para ma-monitor ang kanilang ginagawa araw-araw.