VM Joy B. pangungunahan ang sayaw kontra karahasan at kahirapan sa kababaihan

MANILA, Philippines - Ngayong Valentines Day ay pangungunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang “One Billion Rising”, isang global campaign na sama-sama ang mga  kababaihan sa buong mundo na malabanan at mapigilan ang kahirapan at mga karahasan sa mga kababaihan na gaganapin sa Amoranto.

Sama-sama na sasayaw ang isang bilyong kababaihan sa may 200 bansa mula QC sa Pilipinas, mga bansang Asya, Europa at Estados Unidos para depensahan at ideklara ang kanilang commitment na mawakasan ang kahirapan at karahasan sa mga kababaihan worldwide.

Ngayong taon, ang Pilipinas ang host country ng proyekto dahil napili si Vice Mayor Belmonte, isang women rights advocate at kinilalang isa sa mga  kampeon sa buong mundo  na nagtataguyod  ng mga programang nangangalaga sa  karapatan ng mga kababaihan at kabataan sa bansa.

Show comments