Rep. Gloria ipinagtanggol ng asawa
MANILA, Philippines - “Gusto lamang umanong pagtakpan ni Pangulong Aquino ang kawalan ng kakayahan at mga accomplishment ng kaniyang gobyerno.â€
Ito ang naging reaksiyon ni dating First Gentleman Mike Arroyo at ni National Association of Lawyers for Justice and Peace (NALJP) founding Chairman Jesus Santos sa muling pagbatikos ni Pang. Aquino sa mga diumano’y anomalya noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Binigyang-diin ni Ginoong Arroyo na walang balidong dahilan para sirain muli ni Pang. Aquino ang reputasyon ng dating Pangulo sa naging proklamasyon ng mga kandidato sa pagka-senador ng Liberal Party (LP) noong Martes ng gabi.
“Hindi naman kandidato ang aking maybahay sa pagka-senador. Wala ring sariling kandidato ang kaniyang partido na Lakas. Kaya walang anumang paraan na maÂaaring makabawas sa anumang magiging boto ng mga kandidato ng LP ang dating Pangulo.
“Kaya’t huwag naman niya kaming idaÂmay dahil wala kaming kinalaman sa senatorial elections,â€ayon kay Ginoong Arroyo.
Pinuna naman ni Santos na hanggang ngayon ay wala pang napapatunayan kahit isa saan mang hukuman sa mga paratang o diumano’y anomalya na isinasangkot si Gng. Arroyo.
“Mas makabubuti kay Pangulong Aquino na kung gusto niyang umatake, iyung mga suspek na mismo ang banggitin niya,†dagdag pa ni Santos.
Binigyang-diin ni Ginoong Arroyo na wala silang hinihiling sa pamahalaang Aquino kundi isang parehas at maginoong laban.
- Latest