MANILA, Philippines - Dalawang negosÂyante, kabilang ang isang Indian national at isang security guard ang binaril at napatay ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Calauan, Laguna at Quezon City kamakalawa.
Kinilala ang mga nasawi na sina Palwinder Singh, 52, Indian national, residente ng Sta. Fe Subdivision, UP Los Baños, Laguna at kasosyo nito sa negosyo na si Riz LaÂzarte, 32-anyos ng Sitio Riverside, Batong Malaki, Los Baños.
Batay sa ulat, dakong alas-12:45 ng tanghali ay minamaneho ni LaÂzarte ang motorsiklong Suzuki (4093-DE) angkas si Singha. (ang dalawang biktima ay magkasosyo sa negosyong 5-6.) at binaÂbaybay ang kahabaan ng national highway, Brgy. Masiit, Calauan ng lalawigang ito dakong alas-12:45 ng tanghali nang sundan ng mga salarin na magkaangkas din sa motorsiklo. Nilagpasan ng mga suspek ang mga biktima at saka pinagbabaril nang sunud-sunod.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad nilang ikinamatay.
Sa Quezon City, isang security guard na si Tadeo Talan, 33-anyos, ang hindi umabot ng buhay sa ospital matapos barilin din ng mga suspek sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa tapat ng Corintian Village, EDSA, malapit sa Ortigas Avenue, Brgy. Ugong, ganap na alas- 10:00 ng gabi.
Wala namang nakakita sa aktwal na pamamaril sa biktima, subalit may CCTV camera umano sa lugar na maaaring makapagtukoy sa mga salarin.
Batay sa ulat, pauwi na si Talana, sakay ng kanyang Kawasaki rouser (6657-XP) motorcycle nang may dumating na motorsiklo lulan ang dalawang suspek at agad na pinagbabaril siya ng mga ito.
Kahit sugatan, nagawa pang makahingi ng tulong ang biktima sa security guard ng Corintian Village na si Danilo Gantiga Jr. at sinugod ng MMDA Rescue Team sa Medical City Hospital, pero idineklara rin itong dead-on-arrival.