^

Police Metro

Pekeng Louie Vuitton kinumpiska ng BOC

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa P15-milyong hagala ng mga pekeng signature bags at belts sa Mactan Cebu, kamakailan.

Ininspeksyun kahapon ni Comm. Rozzano ‘Ruffy’ Biazon kasama nito ang chief ng Intellectual Property Right Division na si Atty. Zsae de Guzman ang mga smuggled na pekeng mga bag na Louie Vuitton at sinturon.

Tinangkang ipuslit ng isang pinaghihinalaang smuggler ang naturang copy cat o pinekeng mga bag at sinturon   sa port ng Cebu.

Ang pagkakakum­piska sa mga kontrabando ay may kaugnayan din sa mahigpit kampanya ng BOC na pinamumunuan ni Biazon laban sa illegal smuggling activities sa bansa.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon hinggil sa nabanggit na kontrabando at inaalam na ang mga kasabwat dito.

Tiniyak ni Biazon na hindi na makakalusot sa ibat-ibang pantalan sa bansa ang mga kontrabando na nais ipasok sa bansa ng mga smuggler kaya ang payo nito ay tigilan na ang kanilang illegal na gawain kung ayaw nilang madakip at makasuhan.

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CEBU

GUZMAN

ININSPEKSYUN

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHT DIVISION

LOUIE VUITTON

MACTAN CEBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with