^

Police Metro

Radio at TV stations babantayan na ng poll body

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Babantayan na nang husto ng  Commission on Elections (COMELEC)  simula mamayang alas-12:00 ng hatinggabi ang lahat ng istasyon ng radyo at telebisyon upang mamonitor ang itinakdang air time limits sa mga kandidato sa darating na mid term election sa Mayo.

Sinabi ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes, Jr., alinsunod ito sa  pinaiiral na regulasyon  sa mga patalastas ng mga kandidato sa broadcast media.

Giit ni Brillantes, hanggang hindi  inaaksyunan ng Supreme Court ang hinihinging Temporary Restraining Order (TRO) ng Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) at ilang media network ay tuloy ang kanilang monitoring.

Una dito ay dumulog sa Supreme Court ang KBP, GMA-7 at TV-5 upang ipawalang-bisa ang  itinakdang limitasyon ng Comelec sa mga political ads o  mas kilala bilang ‘aggregated airtime limit’ na 120 minutes sa TV at 180 minutes sa lahat ng himpilan ng radyo.

BABANTAYAN

BRILLANTES

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

GIIT

KAPISANAN

PILIPINAS

SUPREME COURT

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with