^

Police Metro

“Ayoko nang mahirapan. Mahal na mahal kita, Beng. Patawad at salamat”.

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ito ang suicide note na isinulat sa dingding ng banyo gamit ang lipstick ng biktimang si Romano Maglalang, 23,  ng  no. 2127 Ligaya St., Sta. Ana para sa kasintahan na nakilala sa pangalang  Beng.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang madiskubre  ng ina nitong si Christine ang  bangkay ng anak na nakabigti sa loob ng kanilang banyo.

Lumalabas sa imbestigasyon, na gusto umanong makipagbalikan ng biktima sa kanyang nobyang si Beng pero tumangi na ito dahil nakakatunog na umano ang asawa nito sa kanilang relasyon.

“May asawa yong babae, nakikipag-break doon sa biktima dahil nakakahalata na raw ang kanyang asawa,” ayon sa pulisya.

Posible anyang mahal na mahal ng biktima ang nobya at hindi nito matanggap  ang paghihiwalay nila kaya’t naisip na lamang nitong makipaghiwalay.

vuukle comment

ASAWA

BATAY

BIKTIMA

LIGAYA ST.

LUMALABAS

POSIBLE

ROMANO MAGLALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with