MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na biktima ng salvage ang magkasunod na natagpuang nakasako kahaÂpon ng umaga sa Brgy. Sauyo, Quezon City.
Walang nakuha na anumang pagkakakilanÂlan sa dalawang biktima na ang isa ay nakasuot ng itim na short, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5’2†at suot na kuwintas. Ang ikalawa ay nakasuot ng maong na short, katamtaman din ang katawan at may taas na 5’4†at kapwa nasa pagitan ng edad 25-30.
Ang dalawang biktima na nababalutan ng packaÂging tape ang ulo at mga kamay at may bakas ng pananakal sa leeg na magkasunod na natagpuan sa kahabaan ng Waling-waling St., at Naval St., ng nasabing barangay.
Ang unang biktima ay natagpuan dakong alas-5:00 ng umaga ng isang Ruben Osma na isang barangay tanod at ilang minuto ay natagpuan naman ng isang tricycle driver na si Benjamin Paragas sa hindi kalayuan ang ikalaÂwang biktima sa Naval St., malapit sa Camella Homes.
Ang dalawang lalaki ay pinatay umano sa ibang lugar at doon lang itinapon upang mailigaw ang gagawing pagsisiyasat.