2 tinedyer sinaksak

MANILA, Philippines - Sinaksak ang dalawang tinedyer ng isang grupo ng kalalakihan habang pauwi sa kanilang bahay mula sa pagdalo sa isang birthday party kamakalawa sa loob ng Bureau of Forestry Compound, East Ave­nue, Barangay Central, noong Sabado ng alas-11:20 ng gabi.

Namatay sa ospital ang 16-anyos na si  Mark Kenneth Sebastian. Habang kritikal ang kaibi­gan nitong si Jayson Garcia, 17, kapwa residente ng  Barangay Pinyahan dahil sa tama ng saksak sa tiyan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang mga suspek na umatake sa mga biktima.

 

Show comments