^

Police Metro

Pinagalitan dahil sa laging nakikipag-away… ama todas sa pasaway na anak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak ng isang anak ang sarili nitong ama dahilan lamang sa pani­nita sa madalas na pakikipagbasag-ulo nito naganap sa Brgy. Looc, Dumaguete City, Negros Oriental.

Namatay noon din dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Rudolfo Catadman.Habang nasugatan ang mga pinsan na si Diesel at Diosolde Catadman na nagtangkang umawat sa pananaksak ng suspek na si Boy Catadman  na agad din naaresto.

Batay sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi  noong Huwebes ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang  mag-ama nang sitahin ng matandang Catadman ang anak na naki­pagsuntukan na naman sa kanilang lugar.

Ikinagalit umano ito ng suspek dahil muli na namang siyang pinaga­litan ng ama kung kaya’t isinalya niya ito at saka inundayan ng mga saksak ang sariling ama.

Kahit may tama ang matandang Catadman ay hinabol pa rin ito ng anak at tumangkang umawat ang magpinsan, subalit maging sila ay sinaksak din.

Nang maabutan ang ama ay muli itong pi­nagsaksak hanggang sa malagutan nang hininga.

Ikinatwiran naman ng suspek sa mga otoridad na galit siya sa kaniyang ama dahilan palagi siya nitong pinapalo noong siya’y bata pa.

Naghihinala naman ang mga kamag-anak ng suspek na gumagamit ito ng shabu kaya’t nagiging bayolente ito.

vuukle comment

AMA

BATAY

BOY CATADMAN

BRGY

CATADMAN

DIOSOLDE CATADMAN

DUMAGUETE CITY

NEGROS ORIENTAL

RUDOLFO CATADMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with