^

Police Metro

Labi ng 3 pang Pinoy sa Algeria hostage crisis dumating na

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa ang labi ng tatlo pang over­seas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa ma­dugong hostage-taking sa isang gas plant sa Algeria.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez dumating kamakalawa ng gabi ang mga labi ng tatlo pang OFWs kasunod ng repatriation sa mga bangkay ng apat na Pinoy na biktima rin ng hostage crisis sa In Amenas gas plant sa Algeria.

Tumanggi si Hernandez na pangalanan ang mga biktima dahil sa pakiusap ng kanilang kaanak.

May isa pang bangkay ng Pinoy ang naiwan sa Algeria at pinoproseso na rin ang pagpapauwi dito habang patuloy na hinahanap ang isang OFW na nawawala.

Ayon naman kay OW­WA Administrator Car­melita S. Dimzon ang pa­milya ng lahat ng nasa­wing OFWs sa Algeria na miyembro ng OWWA ay makatatanggap ng P220,000 death at burial benefits. Aalukan din sila na maka-avail ng Education and Livelihood Assistance Program (ELAP),  scholarship grant para sa kuwalipikadong dependent o anak, at  livelihood assistance na P15,000 halaga para sa maybahay o asawa ng nasawing OFW upang makapagsimula ng maliit na negosyo.

AALUKAN

ADMINISTRATOR CAR

AYON

DIMZON

DUMATING

EDUCATION AND LIVELIHOOD ASSISTANCE PROGRAM

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

IN AMENAS

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with