^

Police Metro

Doktor tupok sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natusta sa sunog ang isang doktor matapos makulong ng apoy sa nasusunog na bahay sa isang subdibisyon sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinila­lang si Dr. Renato Orocio Sr., na tinatayang mahigit 60-anyos na halos hindi na makilala matapos na magmukhang uling ang bangkay nito.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-8:35 ng gabi nang maganap ang sunog sa bahay ng doktor na matatagpuan sa Block 3, St. Gabriel Subdivision, Brgy. Zone 3 ng lungsod.

Tinangka pa ng ilang mga kapitbahay ng doktor na iligtas ito matapos na magsisigaw sa paghingi ng saklolo sa bintana na may grills na bakal na hindi na nagawa ang nasabing pagtatangka dahil nababalutan na ng apoy ang buong kabaha­yan.

Nabatid na nag-iisa sa loob ng kaniyang bahay ang biktima nang mangyari ang insidente .

Wala namang nada­may na ibang kabahayan sa humigit kumulang na isang oras na sunog na naapula ng mga rumespondeng bumbero.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa dahilan ng sunog na aabot sa mahigit P1-M ari-arian ang naabo.

BRGY

DR. RENATO OROCIO SR.

KORONADAL CITY

NABATID

NATUSTA

PATULOY

SOUTH COTABATO

ST. GABRIEL SUBDIVISION

TINANGKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with