Western Union hinoldap
MANILA, Philippines - Hindi takot sa pinaiiral na gun ban ang anim na kalalakihan na armado ng matataas na kalibre ng baril matapos nilang pasukin at holdapin ang isang sangay ng Western Union, isang money transÂfer company kahapon ng umaga sa PaÂrañaque City.
Sa ulat ng pulisya, daÂkong alas-10:15 ng umaga nang pasukin ng mga suspek ang sangay ng Western Union, na matatagpuan sa panulukan ng Dr. A. Santos Avenue at Lopez Avenue, Sucat.
Walang nagawa ang bantay na sekyu at mga kawani nang sila ay tutukan ng baril at magdeklara ng holdap.
Matapos matangay ang P60,000.00 ay dali-daling nagsitakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.
- Latest