^

Police Metro

1 milyong lagda nakalap...Sigaw na hustisya kay Nicole, patuloy

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakalikom na ng mahigit isang milyong lagda ang isang religious community para sa kanilang kahilingan na hustisya sa pitong taong gulang na si Stepahine Nicole Ella na nasawi matapos tamaan ng ligaw na bala noong kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon. Ayon kay Renato Franco, pastor ng Lord’s Flock Sanctuary Church, tinatayang may isang milyong lagda na  mula sa kanilang grupo at  mga taong nagmamalasakit ang kanilang nakalap para sa paghahangad ng hustiya sa naging kamatayan ni Nicole. Matatandaan, na kamakailan ay nag-negatibo sa ballistic result ang mga suspek na sina Grene “Nilo” Da  at Johnny Agus, na naunang dinakip ng mga pulis dahil sa posibleng sangkot sa pagkamatay ni Nicole. Umaasa ang grupo ni Franco at pamilya ni Nicole na gagawing lahat ng mga awtoridad ang kanilang maaring gawin para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

FLOCK SANCTUARY CHURCH

JOHNNY AGUS

MATATANDAAN

NAKALIKOM

NILO

RENATO FRANCO

STEPAHINE NICOLE ELLA

UMAASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with