MANILA, Philippines - Sa harap ng kanyang ‘Pares’ na tindahan binaril at napatay ang isang negosÂyante sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na si FranÂco Lucero Banoc, may asaÂwa, tubong Baybay, Leyte at residente ng #1725 AgonÂcillo St., Malate ay agad na nasawi sa pinangÂyarihan ng krimen dahil malapitang binaril ng isang hindi pa nakikilalang salarin.
Sa ulat ni PO3 Crispin Ocampo kay P/Sr. Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:45 ng gabi nang maÂganap ang pamamaril sa harapan ng tindahan ‘pares’ ng biktima.
Sinamantala umano ng suspek ang pagiging abala sa pagtitinda ng biktima nang siya ay lapitan at baÂrilin sa mukha.
Nang makitang nakahandusay na ang biktima at matiyak na wala ng buhay ay nagtatakbo na ang suspek pero hinabol siya ng mga tambay.
Sa gitna ng habulan ay naiwan ng suspek ang dala niyang bag kung saan nakalagay ang baril na ginamit sa krimen.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng pulisya sa naganap na krimen upang matukoy, madakip at mabatid ang motibo ng krimen.