^

Police Metro

Gunman ni mayor Domingo arestado

Angie dela Cruz at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado na sa mga ta­uhan ng Quezon City police ang itinuturong  gun­man o bumaril at naka­patay kay Maconacon  Ma­yor Erlinda Domingo.

Kinilala ang naarestong gunman na si Mar­sibal Abduhadi alyas Bagwis, na hinuli sa loob ng Salam Mosque sa  lungsod ganap na alas-12:30 ng madaling araw kahapon.

Sinalakay ang nasabing Mosque ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at Special Wea­pons and Tactics (SWAT) na pinamunuan mismo ni QCPD Dir. Richard  Albano makaraang matanggap ng impormasyon na nagtatago sa lugar si Bagwis.

Ayon kay Dir. Albano, agad na napaligiran ng  mga awtoridad si Bagwis at hindi na nito nagawang  makabunot ng baril nang  tangkain pumalag sa mga  awtoridad.

Nakumpiska kay  Bagwis  ang  2  granada,  isang 9mm, 2  sachet ng  shabu, 2 sachet ng cocaine at  mga paraphernalias.

Giit ni Albano na close book na ang kaso ng pag­paslang kay Mayor Domingo dahil sa pagkakahu­li kay Bagwis. Pinapurihan naman ni  PNP Chief  Dir. Gen. Allan Purisima ang pamunuan ng QCPD dahil sa mabi­lis na paglutas sa kaso ng pagpatay kay Mayor Do­mingo.

 

ALBANO

ALLAN PURISIMA

BAGWIS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ERLINDA DOMINGO

MAYOR DO

MAYOR DOMINGO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with