MANILA, Philippines - Bulagta sa mga taÂuhan ng mobile patrol unit ng Fairview Police Station 5 ang dalawang karnaper na miyembro ng ‘agaw taxi gang’ matapos makipagbarilan sa mga pulis habang tinatangkang agawin ang isang pampasaherong taxi mula sa driver nito sa Quezon City kahapon ng madaling araw.
Dead-on-the-spot ang dalawang hindi pa nakikiÂlalang suspek na inilarawan lamang ang isa na tinatayang nasa 25-30-anÂyos, 5’5†ang taas, nakasuot ng kulay itim na sweat shirt at maong pants, habang ang isa ay nakasuot naman ng kulay pulang t–shirt, maong pants, may taas na 5’5†at tinatayang nasa edad na 28-32.
Sa imbestigasyon na isinagawa ni PO2 Jaime Samson, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-3:30 ng madaÂling-araw sa kahabaan ng Commonwealth sa harap ng SSS Subdivision sa Brgy. North Fairview sa lungÂsod.
Ayon sa report, habang nagpapatrulya sina SPO3 Wahab Magundacan, at tatlo pang kasamahan lulan ng mobile QC-189 nang makita nila ang mga suspek sa loob ng isang kulay puting Toyota Vios taxi na may plakang UWA-146 matapos holÂdapin ang driver na si Pedro Mina y Dela Cruz, 34 ng #24-C, Old Cabuyao, Brgy. Sauyo, Novaliches.
Sinasabing tinangka ng mga pulis na parahin ang mga suspek habang tangay nila ang taxi nang bigla umano silang paputukan kaya napilitang gumanti ang mga awtoridad at magkaroon ng ‘running gun battle’.
Sa loob ng ilang minutong habulan at barilan ay nasukol ang mga suspek na nagresulta ng kanilang kamatayan.
Sa inisyal na imbestiÂgasyon, lumilitaw na miÂyembro ng notorious na agaw taxi gang ang dalawa na kapag pumalag ang kanilang bibiktimahing taxi driver ay kanilang papatayin.