^

Police Metro

P-Noy ’di pipiyansahan si Acosta

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Wala umanong balak na piyansahan ni Pangulong Benigno Aquino III si Presidential Adviser on Environmental Protection at LLDA general manager Neric Acosta matapos na iutos ng Sandiganbayan ang pag-aresto dito kaugnay sa kasong perjury.

Ito ang inihayag ni De­puty Presidential Spokesperson Abigail Valte, dahil sa mas inaasahan ng Malacañang na tatalima si Acosta sa rule of law matapos magpalabas ng arrest warrant ang Sandiganbayan 5th division laban sa kanya.

Bukod kay Acosta ay ipinapaaresto din ng korte ang ina nitong si Mrs. Socorro Acosta at kanyang tiyahin na si Ma. Nemia Bornidor na miyembro naman ng board ng Binhi.

Ang kaso ay kaugnay sa P5.5 milyong pork barrel ni Acosta noong kongresista pa ito sa Vege­table Producers Cooperative na isang pribadong kumpanya na pag-aari ng pamilya ng mambabatas.

Magugunita na dati ay pininyasahan ni Pa­ngulong Aquino si dating Isabela Governor Grace Padaca na ngayon ay mi­yembro ng Commission on Election.

Kasalukuyan ay nasa Davos, Switzerland si Pangulong Aquino.

 

ACOSTA

ENVIRONMENTAL PROTECTION

ISABELA GOVERNOR GRACE PADACA

MRS. SOCORRO ACOSTA

NEMIA BORNIDOR

NERIC ACOSTA

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL ADVISER

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with