Mga kawani ng LRTA binigyan ng Bibliya
MANILA, Philippines - Upang lalong luÂmaganap ang Salita ng Diyos at malaman ng mga tao ang kalooban ng Diyos sa kanilang buhay ay namahagi ang Philippine Bible SoÂciety (PBS) ng mga Bibliya sa mga kawani ng terminal ng Light Rail Transit (LRT).
Sa pakikipagtuwang ng LRT Authority (LRTA), sinabi ng PBS na ang naturang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng National Bible Week na sinimulan noong Enero 21 at magtatagal hanggang sa Enero 27.
May 3,000 pocket New Testaments at ‘Our Daily Bread’ devotional books ang ipiÂnamigay ng grupo sa mga empleyado ng apat na pangunahing terminal sa LRT Line 1 at 2 kabilang na ang Central, Baclaran, Cubao at Santolan.
Anang PBS, batid nila ang mga hamon na hinaharap ng pamunuan ng LRTA dahil sa tinatayang may 800,000 pasahero na kinakailaÂngan nitong pagsilbihan araw-araw, bukod pa sa problema sa ilang naiiritang pasahero at mga mandurukot na nagsasamantala sa mga commuters.
Ayon kay PBS General Secretary Dr. Nora Lucero, ang pamimigay ng Bibliya sa naturang lugar ay isa sa kanilang paraan upang mapagaan ang sitwasyon sa LRT at matulungan na rin ang mga naha-harass na empleyado nito.
- Latest