MANILA, Philippines - Pagkalunod umano sa alak ang dahilan ng pagkamatay ng isang Malaysian national na natagpuang wala nang buhay sa inuupahang silid sa isang hotel sa Pasay City ng kaibigan nito na isang ring dayuhan kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi ay nakilaÂlang si Khoo Teck Bee, 35, empleyado ng GWI Business Solution at pansaÂmantalang nanunuluyan sa Manhattan Condominium sa HV. Dela Costa St., Salcedo Village, Makati City.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, magdamag na nakipag-inuman ang biktima sa mga kaibigang Singaporean national na sina Ho Gim Koon, Gary, 35 at Yew Hin Phang, 39 sa Route 66 disco sa Makati city noong Miyerkules ng gabi na inabot ng hanggang alas-4:00 ng madaÂling araw na ng Huwebes.
Dahil sa kalasingan, sa tinutuluyang hotel na ni Yew Hin Phang sa Unit 748 Marriot Hotel na lamang nila pinatulog ang langung-lango na biktima.
Dakong alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang magpasiyang lumaÂbas ng hotel upang kumain ang dalawang Singaporean at niyaya pa nila ang biktima, subalit tumanggi ito dahil sa masama pa umano ang pakiramdam.
Nang bumalik ang dalawang dayuhan pasado alas-9 ng gabi sa kanilang unit ay nagulat sila nang makitang nakatihaya na ang biktima at hindi na humihinga.