MANILA, Philippines - Nakatutok ang PhiÂlippine National Police (PNP) sa anggulong may bahid pulitika ang motibo ng pamamaslang kay Maconacon, Isabela Mayor Erlinda Domingo sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Inihayag ni PNP SpoÂkesman Chief Supt. GeÂneroso Cerbo Jr., dahiÂlan pulitikong tao si Domingo ay maaring maikonsidera ito na kabilang sa mga kaso ng Election Related Violence (ERVI) habang patuloy pa rin ang masusing imbestigasyon sa tunay na motibo ng krimen na ikinasawi ng mayor at pagkasugat ng driver nitong si Bernard Pasos, 36-anyos.
Magugunita, bandang alas-8:00 ng gabi habang ang alkalde at driver nito ay kababa lamang sa kanilang sasakyan na Mitsubishi Adventure (SJA-893) sa Park Villa Apartelle sa kahaÂbaan ng #81 Examiner St. Malapit sa panulukan ng Quezon Avenue, Brgy. West Triangle ng lungsod.
Habang ibinababa ang kanilang bagahe ay bigÂlang sumulpot ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo at isa ay bumaba at pinutukan sa likurang bahagi ng ulo ang mayora na agad na ikinasawi nito.
Nang makita ni Plasos ang walang buhay na katawan ng biktima ay tinangka nitong habulin ang mga suspek pero maÂging siya ay pinaputukan at tinamaan sa kanang hita.
Arestado naman sa follow-up operation ng Quezon City Police District ang mga suspek na sina Christian Pajenado, MicÂhael Domingo at Mary Grace Abduhadi, misis ng gunman na si Marsibal Abduhadi alyas Bagwis; isang alyas Khalid at isang Ryan Santiago na tinutugis ng pulisya.