^

Police Metro

Pamamaril sa court room: doktor, abogado dedo, canadian shooter nagbaril

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng isang Canadian ang da­lawang tao at pagkasugat ng isang assis­tant prose­cutor at pagkatapos ay nagbaril ito sa sarili sa loob ng Palace of Justice sa Cebu City kahapon ng umaga.

Pinagbabaril ni John Pope, 66, Canadian na­tional sina Dr. Rene Rafols at abogado nitong si Jovian Achaz sa loob ng Korte at namatay noon din.

Matapos na mabaril si Rafols at Achaz ay nag­tungo ang suspek sa MTCC Branch 1 at binaril si Assistant City Prosecutor Matet Ca­si­ño na nasa kritikal na ka­la­gayan sa Chong Hua Hos­pital.

Batay sa imbestigas­yon, bandang alas-8:30 ng umaga sa Branch 6 sa ilalim ni Judge Pa­mela Barling Uy na nasa ikaapat na palapag ng nasa­bing justice hall ay nililitis ang 6 counts ng maliscious mischief na isinampa ni Rafols sa suspek nang biglang pi­nag­babaril ang mga biktima bago pa magsimula ang pagdinig.

Ayon sa imbestigasyon, nagawang mailusot ni Pope ang isang 357 magnum ma­tapos na itago ito sa medyas ng pumasok sa court room.

Matapos gawin ang krimen ay nagbaril sa sarili matapos magtamo ng tama ng bala sa paa’t kamay mula sa mga pulis na pilit itong pinasusuko. 

Ang suspek ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo at bi­nawian ng buhay sa pa­ga­mutan.

Nabatid pa na walang metal detectors na naka­kabit sa loob ng justice hall at kinapkapan lamang ng mga bantay dito ang nasabing suspek.

Samantala, nanawagan si Justice Secretary Leila De Lima sa lahat ng sangay ng korte sa bansa na higpitan ang seguridad upang hindi na maulit pa ang pamamaril.

Ang mga korte sa bansa at mga hukom ay nasa pa­ngangasiwa ng Korte Suprema habang ang pro­secutor na itina­laga sa mga korte ay nasa ilalim na­man ng pa­ngangasiwa ng DOJ.

ASSISTANT CITY PROSECUTOR MATET CA

BARLING UY

CEBU CITY

CHONG HUA HOS

DR. RENE RAFOLS

JOHN POPE

JOVIAN ACHAZ

JUDGE PA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with