Nahulog sa veranda: vendor tigok

MANILA, Philippines - Tigok ang isang vendor makaraang mahulog sa sinasandalang veranda sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Joel Gutierrez, residente ng  #1359-B Juan Luna St. Tondo, Maynila.

Sa ulat ni  SPO1 Jonathan Bautista  ng Manila Police Distrct-Homicide Section, dakong  alas-6:15 ng umaga nang madiskubre ng isang dumaan na  delivery boy ang katawan ng  biktima na nakalugmok sa tapat ng kanyang  bahay.

Ayon sa report  nawalan ng balance ang biktima sa pinagpapahingaan niyang veranda sa kanilang tahanan kaya ito nahulog.

Naisugod pa sa Mary Johnston Hospital ang biktima subalit bandang alas-10:00 ng umaga nang ideklarang patay dahil naubusan  umano ito ng dugo.

Show comments