MANILA, Philippines - Kasong grave misconduct o neglect of duty ang ikinukonsiderang isampa laban sa mga sangkot na tauhan at mga opisyal at tauhan ng Police Regional Office (PRO) IV A ng liderato ng Philippine National Police.
Kabilang naman sa mga posibleng makasuhan ay ang nasugatang si Sr. Supt. Hansel Marantan, Deputy Chief ng Intelligence Division ng PRO IV A, ang team leader ng nasabing kuwestiyoÂnableng checkpoint.
Bukod kay Marantan kabilang ay sina Sr. Supt. Valeriano de Leon, Provincial Police Office (PPO) Director ng Quezon, Supt. Ramon BaÂlauag, Intelligence Chief ng Quezon PPO, Chief Inspector Grant Gollod, hepe ng Atimonan Police at iba pa.
Ang may 25 sundalo sa pamumuno nina Lt. Col. Monico Abang, Commander ng 1st Special Forces BattaÂlion (SFB) at Capt. Erwin MaÂcalinao, Commander ng 3rd Special Forces Company.
Ang National Bureau of Investigation na ang lead agency sa naÂganap na shootout sa QueÂzon na kabilang sa mga nasawi ay si Sr. Supt. Alfredo ConÂseÂmino, Group Director ng PRO IV B, dalaÂÂwang police seÂcurity escort nito, dalawang tauhan ng Philippine Air Force, ang umano’y illegal gambling operator na si Vic Siman at iba pa.
Samantala, bunga naman ng shootout sa San Juan, Batangas noong Lunes na ikinasawi ng koÂlektor sa bookies ni Siman na si Fernando Morales ay nasibak sa puwesto si PRO IV A Director P/Chief Supt. James Melad at may 24 pang pulis kabilang ang apat pang opisyal.