Tatay nagpakamatay sa harap ng anak… Shotgun ipinutok sa bibig

MANILA, Philippines - Halos tulala at hindi makapaniwala ang isang 9-anyos na batang lalaki nang masaksihan ang pagpapakamatay ng ama sa kanyang harapan sa pamamagitan nang pagbaril sa bibig bago kinalabit ang shotgun kamakalawa sa Vintar, Ilocos Norte.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Efren Butac, dahil sa tinamong tama ng  bala ng 12 gauge shotgun na isinubo sa bibig at tumagos sa ulo.

Isinugod  sa ospital ang batang si Edmund matapos tamaan ng shrapnel sa kanang balikat bunga ng insidente.

Batay sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon ay la­sing na umuwi si Efren at tinawag ang anak na si Edmund.

Nang lumapit si Edmund ay natakot ito nang makita ang ama na armado ng 12 gauge shot gun.

Ilang sandali ay nagu­lat ito nang biglang isubo ang baril sa bibig at pina­putok bunsod upang sumabog ang ulo ng ama na lasing ng mga oras na iyon.

Ayon pa sa ulat na bago naganap ang pagpapakamatay ng biktima ay nagkaroon ito ng mainitang pakikipagtalo sa kanyang hipag kung kaya’t lumabas ito ng bahay at naglasing.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso.

 

Show comments