Mga kaalyado ni Congw. Gloria pinalulutang sa Maguindanao massacre case
MANILA, Philippines - Nakatakdang ipatawag ng Quezon City RTC ang mga kaalyado ni dating Pangulo at ngayon ay PamÂpanga Rep.Gloria Macapagal-Arroyo upang tumestigo laban kay daÂting Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan na umano ay utak sa Maguindanao massacre.
Ayon sa prosecution panel na dumalo sa heaÂring kahapon sa sala ni QC RTC-Branch 221 Judge Jocelyn Reyes Solis na dapat ipatawag sina daÂting Local Water Utilities Administration (LWUA) head Prospero Pichay, daÂting political adviser Gabby Claudio, dating exeÂcutive secretary Eduardo Ermita at dating National Security Adviser Norberto Gonzales.
Sinabi ni Prosecutor Aristotle Reyes ang mga nabanggit ay kabilang sa talaan ng mga taong saksi sa krimen at may nalalaman sa napag-usapan hinggil sa umanoy pagÂkandidato ni dating Buluan vice mayor at ngayoy Maguindanao governor Esmael ManguÂdadatu para labanan ang mga Ampatuan sa nagdaang 2010 elections.
Nabatid na sina Pichay, Claudio, Ermita at Gonzales ang nasa likod ng pagkumbinsi kay Mangudadatu na tumakbong gobernador sa Maguindanao para ibagsak ang liderato ng pamilyang Ampatuan na pinangungunahan ni Andal Ampatuan Sr.
Una nang naisama ng prosekusyon si dating Defense Secretary Gilberto Teodoro sa talaan nila ng mga witnesses laban kay Zaldy na nagsasabing isa siya sa nag-ayos ng natuÂrang meeting hingÂgil dito.
Kaugnay nito, itinakda naman ng korte na i-recall si Mangudadatu sa witness stand para tumestigo sa kaso kasabay ng gagawing pagbusisi ng korte hinggil sa bail petition ni Zaldy.
Ipiprisinta din ng proÂsekusyon si dating MaÂguinÂdanao election supervisor Lintang Bedol, at journalists na sina Anthony Taberna at Joseph Morong na nagsagawa ng panayam kay Zaldy kaugnay ng naging partisipasyon nito sa massacre.
- Latest