^

Police Metro

Dinukot noong Pasko, natagpuang patay noong Bagong Taon... Nene todas sa sex slave ng magpipinsan

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang apat na magpipinsan na mahigit dalawang ling­gong nagtago sa batas ma­tapos na dukutin noong araw mismo ng Pasko at halayin hanggang sa mapatay ang isang 9-anyos na batang babae na ang bangkay ay natag­puan sa isang silong ng bahay sa Brgy. San Lorenzo Ruiz 2, Das­ma­riñas City, Cavite.

Ang mga suspek ay ki­nilalang sina Rodel Cubian, 23; kapatid nitong si Jayson Cubian, 20; mga pinsan na sina Kenneth De­liquena, 15 at Ryan De­lequena, 25, pawang residente ng Brgy.San Lo­renzo Ruiz 1 at 2 na ka­pitbahay lamang ng biktima.

Ayon kay P/Supt.Ulys­ses Cruz, hepe ng pu­lis­ya na isang saksi ang lumantad at nagsasalaysay sa pulisya na nakita umano niya noong Araw ng Pasko na kinuha ng apat na suspek ang biktima na si Zosiemae Magluyan, grade 3 student at itinago sa isang bakanteng bahay na hindi kalayuan malapit sa tambakan ng basura.

Inamin ng mga suspek sa pulisya na halinhinan nilang hinalay ang bata habang ito ay nakagapos simula noong Pasko at naisipan lamang nila  itong pakainin noong Dis­yembre 30, subalit hindi na ito kumain.

Huli nilang nakitang buhay ang bata noong Enero 2 ng umaga at ki­na­hapunan ay hindi na ito gumagalaw kaya’t na­pagdesisyunan nilang itapon ito sa tambakan ng basura na hindi kalayuan sa nasabing lugar.

Makalipas ang may 5 araw ay doon lamang natagpuan ang bata na makikita sa katawan na dumanas ito ng sobrang hirap dahilan para ito ay mamamatay.

Nabatid pa na na­ga­wa pa umanong ma­kipaglibing ng mga suspek sa biktima na kung saan ay doon din lumabas ang saksi sa pangyayari kaya’t naaresto ang mga ito.

 

vuukle comment

BRGY

JAYSON CUBIAN

KENNETH DE

PASKO

RODEL CUBIAN

RYAN DE

SAN LO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with