^

Police Metro

Batas VS Loose Firearms,ipatupad – Bishop

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinamon ni Malolos Bishop Jose Oliveros si Interior and Local  Govern­ment  Sec. Mar Roxas na magkaroon ng political will na ipatupad ang batas para masawata ang paglaganap ng loose firearms sa bansa.

Sinabi ni Bishop Oliveros, kaya maraming iligal na baril ang naglipana sa bansa dahil sa kawalan ng political will para sugpuin ito.

Naniniwala ang Obis­po na dadami na naman ang mga iligal na baril lalo pa’t nalalapit na ang eleksyon.

Umapela si Bishop Oliveros kay Roxas na hu­lihin at papanagutin sa batas ang mga pulitikong mayroong hired killers at private armies na siyang nagpapagulo tuwing nagkakaroon ng eleksyon sa bansa.

Hindi na dapat pang pairalin ng mga pulitiko ang  karahasan dahil kadalasang  ang mga inosenteng sibilyan ang  nagiging biktima.

“Marami pa ring mga loose firearms na kumakalat sa ating bansa. Kaya sana maging hamon ito sa ating mga otoridad lalo na kay Sec. Roxas lalo na ngayong panahon ng eleksyon. Kontrolin ang paggamit ng baril. Kontrolin yung bibigyan ng lisensya” ani  Bishop Oliveros.

 

BISHOP OLIVEROS

HINAMON

KAYA

KONTROLIN

MALOLOS BISHOP JOSE OLIVEROS

MAR ROXAS

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with