^

Police Metro

10-M deboto ng Black Nazarene,daragsa sa Quiapo

Doris Borja, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinatayang 10-mil­yong deboto ng itim na Nazareno ang daragsa nga­yon sa pista ng Quiapo upang makiisa at sumama sa prusisyon.

Ayon sa pamunuan ng Simbahang Katoliko, taon-taon ay umaabot sa 10-milyon ang nakikiisa sa milagrosong imahe dahil sa paniniwalang dinidinig ng diyos ang kanilang mga kahilingan sa buhay.

Payo naman ng Department of Health (DOH) sa mga deboto ng Black Naza­rene na sasali sa prusis­yon na magdala ng sariling inu­ming tubig at kumain ng tama upang makaiwas sa ano mang aberya.

Sinabi ni Ona, mahalagang may sapat na tubig ang mga deboto upang maiwasan ang anumang dehydration.

Umapela rin ang health chief sa mga magulang na huwag ng magsama ng bata sa pagtungo sa pista ng Black Nazarene upang maiwasang masaktan dahil na rin sa dami ng tao na nagtutulakan.

Nakaalerto naman ang Philippine National Police (PNP) kung saan ay 10,000 security forces ang nakakalat ngayon upang magbantay at mangalaga ng seguridad ng mga deboto mula sa Quirino grandstand sa Luneta patungo sa Basilica Minore ng Quiapo Church.

Pangunahing magbabantay sa okasyon ay ang mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magpapakalat ng 3,000 pulis bukod pa sa mga force multipliers mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA), traffic enforcers at mula sa mga Local Government Units (LGUs).

Ayon sa PNP, wala naman silang namomonitor na direktang banta sa pambansang seguridad na posibleng manabotahe sa okasyon.

AYON

BASILICA MINORE

BLACK NAZA

BLACK NAZARENE

DEPARTMENT OF HEALTH

LOCAL GOVERNMENT UNITS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with