MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ng PAGÂASA ang mga sasama bukas sa prusisyon ng Itim na NaÂzareno na magdala ng paÂyong dahil sa makakaranas ng maulap na kalangitan na may pag-uulan sa Metro Manila.
Inaasahan ang may 6 hanggang 8 milyong boÂtante ang dadagsa sa Quiapo church ngayong Martes pa lamang ng gabi para sa prusisyon sa imahe ng Itim na Nazareno sa Miyerkules sa iba’t ibang bahagi ng MayÂnila.
Samantala handa naman ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa pagdagsa ng maÂraÂming commuters dahil sa inaasahang masikip na daloy ng trapiko.
Mas pinipili aniya ng mga deboto at regular na mananakay na sumakay sa LRT lalu na’t ito ang pinaÂkamabilis, pinakamura at pinaka-kumbinyenteng uri ng pampublikong transportasyon.
Ayon sa pagtala ng LRÂTA, nabatid, na umaÂbot sa 620,987 ang naging pasahero ng LRT Line 1 noong pista ng Itim na Nazareno noong nakaraang taon habang naitala naman ang pinakamaraming sumakay sa Line 1 at Line 2 noong gaÂnapin ang Iglesia ni Cristo bible exposition sa LuneÂta noong Pebrero 28 ng nagÂdaang taon kung saan umabot sa 658,627 ang naiÂtalang sumakay sa Line 1 at 234,450 naman ang sumakay sa Line 2.
Kasabay nito, nilinaw naman ni City AdministraÂtor Jay Marzan na sinusÂpinde ang mga klase bukas sa mga paaralang maÂapekÂtuhan ng prusisyon kabilang ang A. Mabini EleÂÂmentary School, GeroÂnimo Santiago Elementary School , Ramon Avancena High School, Manila High School, V. Mapa High School, Araullo High School, City College of Manila, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Manila Science High School.
Sa mga pribadongt eskwelahan na maapektuhan din ng prusisyon, nais ni Manila Mayor Alfredo Lim na ang pamunuan ang magpasiya kung ikakanÂsela nila ang klase.