MANILA, Philippines - Nagmistulang sugo ni Kamatayan ang isang magtiyuhin na barangay tanod matapos na sunduin nila ang isang 23-anyos na laÂlaki sa bahay nito at pagkatapos ng ilang minuto ay pinagbabaril nila at iniwang wala nang buhay kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Ang biktima na may tama ng bala sa mukha na natagpuang nakabulagta ay nakilalang si Jonathan Caludio, residente ng no.1320, B-32, C.P. Garcia St. Moriones, Tondo.
Ang dalawang suspek na magtiyuhin na kapwa barangay tanod at pinaghahanap ng pulisÂya ay nakilalang sina ReyÂnalÂdo Solvero, 45, alyas “Reneâ€, ng Barangay 23, Zone 9 at pamangkin nitong si Joseph, 33, alyas “Toto†at kapwa residenÂte ng C.P. Garcia St., Moriones, Tondo.
Sa pahayag ng ama ng biktima na si Mang Jose, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang sunduin ang anak ng mga suspek sa kanilang bahay para dalhin sa barangay hall.
Hindi sana sasama ang kanyang anak sa mga suspek, subalit sinabi dito na kakausapin lang sandali kaya’t sumama na ito.
Ilang minuto ang nakakalipas ay nakarinig ng putok ng baril ang ama na ikinabahala nito kung kaya’t lumabas ito ng bahay.
Paglabas ng bahay ay sinabi sa kanya ng mga kapitbahay na duÂguÂang nakabulagta ang anak.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa pamamaslang sa biktima.