Libreng sakay sa MRT at LRT ngayon

MANILA, Philippines - Nagbibigay ng libreng sakay sa publiko ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 at Metro Rail Transit (MRT) ngayong araw na ito ng Rizal Day (Dis­yembre 30).

Ang libreng sakay ay pakikibahagi ng pamunuan ng MRT at LRT sa pagdiriwang sa kabayanihan ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.

Ayon kay LRT Authority spokesman Atty. Hernando Cabrera, ang libreng sakay ay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Ang LRT line 1 ay bumibiyahe mula sa Roosevelt Ave., Quezon City patungo ng Bac­laran, Parañaque. Ang Line 2 ay mula sa Recto Ave sa Maynila hanggang sa Santalon Pasig City habang ang MRT ay sa kahabaan ng Edsa

Show comments