^

Police Metro

Dahil sa bagyong Quinta… Capiz, isinailalim sa State of Calamity

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunsod ng mataas na tubig baha na dulot ng bagyong Quinta kaya isinailalim sa state of calamity ang ilang bayan sa lalawigan ng Capiz, kahapon.

Sa isang resolus­yon ang mga kasapi ng Provincial Board ay nagdedeklara sa ilang bayan sa lalawigan ng Capiz sa state of calamity na kinabibilangan ng bayan ng Panay, Pontevedra at Panit-an na nasa unang distrito ng lalawigan. Sa ikalawang distrito ay ang mga bayan ng Cuartero, Dao, Dumalag, Sigma, Tapaz at Mambusao.

Nabatid na  12 bayan sa lalawigan  ang lubog pa rin sa tubig-baha at ilang national highway ang hindi pa madaanan dahil sa malakas na agos ng tubig baha sanhi ng pag-apaw ng mga ilog.

Samantalang patuloy rin  ang pagtaas ng bilang ng mga apektadong pamil­ya kung saan umaabot na  sa 14,577 o kabuuang  54,962 katao.

Nananatili pa rin sa mga evacuation centers ang 1,921 na pamilya o 9,610 katao na mula sa mga bayan na apektado ng  mga pagbaha.

BAYAN

BUNSOD

CAPIZ

CUARTERO

DUMALAG

MAMBUSAO

NABATID

NANANATILI

PROVINCIAL BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with