Tatlo sugatan sa pagsabog

MANILA, Philippines - Isang Improvised Ex­plosive Device (IED)  ang sumabog sa harapan ng isang pawnshop sa Roton­da ng Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Miyer­kules ng gabi na ikinasugat ng tatlo katao.

Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Col. Prudencio Asto ang mga nasugatang biktima na sina Christian Cabajon, 36; James Salinda, 26 at Jessa Marcelo, 23.

Batay sa ulat, bandang alas-10:10 ng gabi ay nasa bisinidad ang mga biktima nang maganap ang pagsabog sa harapan ng Cebuana Lhuillier Pawnshop.

Ang mga nasugatan ay mabilis na isinugod sa Sandig Hospital para malapatan ng lunas.

Kasalukuyan ring ina­alam ng mga otoridad ang motibo ng pagpapasabog sa bisinidad ng naturang establisyemento.

 

 

Show comments