Binata binoga ang sarili

MANILA, Philippines - Tinapos ng isang 20-anyos na binata ang buhay nang barilin ang sarili sa pamamagitan ng improvised shotgun naga­nap sa Brgy. Burol 1, Dasmariñas City, Cavite ka­makalawa ng hapon.

Ang biktima na namatay noon din ay nakilalang si Mark Gil Samson, ng Blk. 1, Lot 163, Phase 2 ng nasabing barangay.

Sa salaysay ng tiyahin ng biktima na si Corazon Perez, ganap na alas-4:20 ng hapon ay nagising siya sa pagkakatulog nang marinig ang isang putok ng baril na nanggaling sa kuwarto ng pamangkin.

Agad niyang pinunta­han ang kuwarto ng biktima  at dito ay nakita niya na duguang nakahandusay ang pamangkin. Narekober ng pulisya ang 1 improvised shot gun na may lamang 12 bala sa tabi ng biktima.

Show comments