^

Police Metro

Lumang simbahan sa Camarines Norte, nasunog

Francis Elevado at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natupok ng apoy ang isa sa tatlong pinakama­tandang simbahan sa lalawigan ng Camarines Norte naganap kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Vinzons.

Ayon kay Monsignor Francisco Regala, kura pa­roko ng San Pedro Apostol, nagsimula ang sunog dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa bahagi ng  lumang kumbento. 

Nahirapan umano ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa lakas ng hangin dulot ng bagyong Quinta kaya na­bigong maisalba ang mga mamamahaling rebulto ng santo at mga kagamitan ng simbahan.

Wala namang nai­talang nasugatan at nasawi sa naganap na sunog na pinaniniwalaang sanhi ng faulty electrical wi­ring kung saan tanging ang konkretong pader ng simbahan na itinayo noong taong 1581.

Naapula ang apoy bandang alas- 6:00 ng umaga matapos na magresponde ang mga bumbero.

Samantalang tinataya namang aabot ng P8-P10M ang pinsala sa nangyaring sunog na nataon pa naman sa nala­lapit na pagsalubong sa Bagong Taon.

AYON

BAGONG TAON

CAMARINES NORTE

MONSIGNOR FRANCISCO REGALA

NAAPULA

NAHIRAPAN

NATUPOK

SAMANTALANG

SAN PEDRO APOSTOL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with