IT experts kailangan sa pag-review ng election source codes

MANILA, Philippines - Tumulong sa pag-review ng iba’t ibang source codes na gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) sa 2013 elections.

Ito ang naging ang imbitasyon ni Senator Koko Pimentel III sa mga volun­teer experts sa larangan ng information techno­logy (IT) bilang chairman ng Senate Committee on Electoral Reform and People’s Participation.

Idinagdag ni Pimentel na anumang butas o hindi tama sa software o hardware ay dapat maitama na sa 2013 at sa mga susunod pang eleksiyon para masiguradong hindi masasa­botahe ang mga darating na halalan. Ang “source code” ay tumutukoy sa koleksiyon ng computer instructions na nag-aatas ng mga dapat gawin ng isang computer machine.

Show comments