3 Koreano hinoldap sa golf course

MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng tatlong Koreano na sa mismong golf course kung saan sila naglalaro magaganap ang panghoholdap sa kanila kamakalawa sa Brgy. Lamintak, Medellin, Cebu.

Kinilala ang mga biktima na sina Shen Sung Hak, Lee In Hak at Shin Hyung Sek; pawang nasa hustong gulang at pansamantalang nanunuluyan sa nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon, bandang alas-6:00 ng umaga habang abala sa paglalaro ng golf ang mga biktima sa Queen’s Island Golf and Hotel nang lapitan ng tatlong kalalakihan at tutukan sabay deklara nang holdap.

Walang nagawa ang mga biktima kundi ang ibigay ang kanilang mga cell phone, alahas at pera.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang panghoholdap bago nagsitakas ang mga suspek na dumaan sa sinira nilang bakod.

Nabatid na naga­wang makapasok ng mga hol­daper sa nasabing golf course na hindi dumaraan sa security guard sa pamamagitan ng pagsira sa interlink wire na nagsisilbing bakod ng golf course.

 

Show comments